Magrehistro
Pangalan:

Gitnang Pangalan:

Apelyido:

Kaarawan
Home
Aralin
Pagsasanay
Tungkol sa akin





Ang magiting na mandirigma ng kahariang Albanya, anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca ng Kahariang Crotona. Si Florante ang kasintahan ni Laura at ang mahigpit na karibal ni Konde Adolfo.


Ang prinsesa ng kahariang Albanya na anak ni Haring Linseo. Isang dilag na nagtataglay ng mala-Venus na kagandahan. Tapat ang pag-ibig kay Florante subalit biktima ng pagtataksil ni Konde Adolfo.


Isang palamarang anak ng mabunying Duke Silano. Nagpanggap na mabait at mahinahon sa panahon ng pag-aaral sa Atenas subalit dahil sa inggit at panibugho kay Florante ay lumantad din ang pagbabalatkayo. Nagdulot ng kapighatian sa puso nina Florante at Laura at nagpadilim ng buong kahariang Albanya.


Iisang gererong Moro na sunud-sunuran sa amang Sultan ng Persiya na si Ali-Adab. Kasintahan niya ang magandang si Flerida na naging sanhi ng kasawian ng kanyang puso.


Isang magandang dalaga na kasintahan ni Aladin. Nagpanggap na lalaki upang makatakas sa buhong na sultan ng Persiya na si Ali-Adab na nais siyang pagsamantalahan. Napilitan siyang sumang-ayon sa pagpapakasal sa sultan upang iligtas na mapugutan ng ulo ang kasintahang si Aladin.


Ang dakila at makatarungang hari ng kahariang Albanya. Una pa lamang makita si Florante ay natiyak na niyang ito ang magiging tagapagmana ng kanyang trono't setro.


Ang dakilang ama ni Florante. Tagapayo ni Haring Linseo.


Ang butihing ina ni Florante na nagmula sa kahariang Crotona.


Ang tapat at matalik na kaibigan ni Florante. Ang nagligtas sa kanya sa unang kapahamakang idinulot ni Adolfo. Ang tagapagmana ng hukbo ni Florante.


Ang kaibigan at magiliw na guro ni Florante sa Atenas. Amain ni Menandro. Ang naging tagapayo ni Florante sa mga pagbabanta ni Adolfo.


Ang mabangis na ama ni Aladin na sultan ng Persiya, ang nag-utos na papugutan ng ulo si Aladin.



Handa ka na ba para sa mga PAGSASANAY? Kung handa ka na, pindutin ito